Pangulong Ferdinand Marcos Jr., inutos sa mga national government agencies na tulungan ang BARRM sa kanilang relief at rescue operations

Walang tigil na nakikipag-ugnayan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para matiyak na sapat ang tulong sa mga lokal na pamahalaan na apektado ng Bagyong Paeng.

Inutos din ng pangulo sa mga national government agency na tulungan ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARRM) sa kanilang relief at rescue operations lalo na sa mga binahang lugar sa Maguindanao kung saan batay sa kanilang impormasyon ay umabot na sa 67 ang nasawi.

Panawagan ng pangulo sa lahat na manatiling alerto at gawin ang mga precautionary measures para manatiling ligtas.


Facebook Comments