Selebrasyon ng Eid’l Adha, magsisimula sa July 9

176

Sisimulan nang ipinagdiwang ng Muslim community ang Eid’l Adha o Feast of Sacrifice sa July 9, 2022, araw ng Sabado.

Ito ang kinumpirma ni Bangsamoro Mufti Abuhurarira Udasan sa inilabas niyang Islamic Advisory sa Bangsamoro Region.

Sa pagdiriwang ng Eid’l Adha, pumapatay ang mga kapatid na Muslim ng tupa, kambing, at baka bilang simbolo ng pag-alala sa pagnanais ni Prophet Ibrahim na isakripsyo ang anak sa utos ni Allah.


Bukod sa Eid’l Fitr o pagtatapos ng Holy Fasting, isa ito sa mahahalagang araw sa kalendaryo ng Muslim.

Facebook Comments