1st quarter Simultaneous Earthquake drill, isasagawa ngayong araw

 

Kasado na ngayong araw ang First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.

Ayon sa Office of Civil Defense, ang Kampo Aguinaldo sa Quezon City ang napiling ceremonial site ng nasabing aktibidad na magsisimula mamayang alas-8:00 ng umaga.

Sa programa na inaasahang pangungunahan ni Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., at iba pang opisyal, magkakaroon ng camp-wide evacuation drill na susundan naman ng communication exercises upang ipakita at subukan ang communication protocols at coordination mechanisms ng pamahalaan.


Ito’y upang matiyak ang kahandaan ng mga awtoridad sa pagtugon sa sandaling tumama ang malakas na lindol partikular na ang pinangangambahang The Big One dahil sa paggalaw ng West Valley Fault.

Facebook Comments