Wednesday, June 3, 2026

Atty. Levi Baligod at 18 ex-marines, muling inireklamo sa DOJ kaugnay sa alegasyon ng paghahatid ng male-maletang pera

Naghain ng reklamo sa Department of Justice si Iloilo City Lone District Julienne Baronda laban kina Atty. Levi Baligod at 18 ex-marines.

Ito ay kaugnay sa pagdawit sa kaniya ng mga ito sa umano’y pagtanggap ng male-maletang pera bilang kickback sa mga proyekto ng pamahalaan gaya ng flood control.

Ayon sa abogado ng kongresista na si Atty. Jeric Jucaban, reklamong cyber libel at perjury ang inihain nila laban kina Baligod at sa 18 dating marines.

Sinabi naman ni Baronda na posibleng idinawit siya dahil sa kaniyang paninindigan at pagtatanggol sa Iloilo City makaraang bansagan noong “shabulized city” o lungsod na talamak ang iligal na droga.

Facebook Comments