Tatlong sundalong nasawi at isang nasugatan sa vehicular accident sa Cubao, mga tauhan ng Philippine Air Force

Kinumpirma ng Philippine Air Force na mga tauhan nila ang tatlong nasawi sa vehicular accident kaninang alas-3:00 ng madaling araw.

Ayon kay Lt. Col. Maynard Mariano, tagapagsalita ng Philippine Air Force, nangyari ang aksidente sa EDSA-Santolan sa Cubao, Quezon City.

Sakay ng Honda City ang apat nilang tauhan ng mangyari ang aksidente.


Ang tatlo ay dead on the spot habang ang isa ay isinugod sa ospital.

Hindi pa isinasapubliko ng Philippine Air Force ang pagkakakilanlan ng mga biktima habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa aksidente.

Facebook Comments