2 araw na recruitment caravan, isasagawa ng Philippine Army ngayong weekend

Magsasagawa ng dalawang araw na recruitment caravan ang Philippine Army bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang ika-125 anibersaryo.

Isasagawa ito ngayong weekends, March 12 at 13 at magsisimula ng alas-otso ng umaga sa Philippine Army Grandstand sa Fort Bonifacio.

Dito’y maaring makita ng publiko ang iba’t-ibang assets ng Philippine Army na naka-display.


Magbibigay rin ng impormasyon ang mga army recruitment officers tungkol sa mga oportunidad, pribelehiyo at career path sa Philippine Army.

Bukas ang aplikasyon para sa mga interesadong maging regular na sundalo, reservist o civilian human resource ng Philippine Army.

Facebook Comments