Rape cases sa bansa, pangalawa sa pinakamataas na krimen na naitala ng PNP

Pumapangalawa ang rape sa pinakamaraming krimen sa bansa.

Batay ito sa ulat ng Philippine National Police (PNP).

Kaya naman pabor ang PNP sa pagtaas ng age of sexual consent sa mga kabataan mula sa dating 12 taong gulang ay ginawang 16 na taong gulang.


Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, 9503 ang kaso ng panggagahasa na naitala ng PNP noong 2020 kung saan mahigit 7000 bata ang biktima.

Bumaba ito sa 8460 nitong 2021 at mahigit 6000 bata ang biktima.

Nasa 594 naman ang naitala nitong January 2022 at 457 na menor-de-edad ang biktima.



Ayon kay Col. Fajardo, posibleng madagdagan pa ang datos dahil sa pagtataas ng age of sexual consent sa ilalim ng Republic Act 116481.

Ayon pa kay Col. Fajardo, suportado ng PNP ang bagong batas.

Facebook Comments