
Arestado ang dalawang babae na tauhan ng paliparan sa entrapment operation matapos na manikil sa Chinese na naka-hold sa immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay Airport Police Chief Colonel Bing Jose, ang dalawang suspek ay humingi ng malaking halaga ng pera sa banyaga na kasalukuyang nasa Immigration sa NAIA Terminal 3 kapalit ng paglaya nito sa reversal exclusion.
Agad namang nakatanggap ang kanyang mga tauhan ng reklamo na mula kay Zhiang Xia na isa ring Chinese.
Hiningian umano ng ₱850,000 ang kanyang pamangkin na naka-hold sa NAIA Terminal 3 dahil sa kawalang kakayahang makipag-usap ng ingles kapalit sa hindi pagpapatapon sa kaniya pabalik ng China.
Samantala, hawak naman na ng Airport Police Department ang mga suspek na sasailalim sa masusing imbestigasyon at pagsasampa ng mga reklamo.