Pinaigting sa bayan ng Manaoag ang seguridad matapos ang umanong banta ng pamamaril na kumalat sa social media na nagresulta ng maagang pagpapauwi sa mga estudyante ng Manaoag National High School (MNHS).
Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) sa flag raising ceremony noong Lunes, Hulyo 20, na nagdagdag ng tatlong border control checkpoints kasunod ng insidente.
Nag-ugat ang paghihigpit sa seguridad matapos kumalat ang isang social media post na naglalaman ng umano’y banta ng pamamaril sa isang paaralang tinukoy bilang “MNHS” noong Hulyo 17.
Sa beripikasyon ng PNP, walang naitalang insidente, walang nasaktan, at walang nakapasok na anumang mapanganib na armas sa loob ng paaralan.
Kasunod nito, nagbabala ang PNP laban sa pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon at hinikayat ang publiko na umasa lamang sa opisyal na pahayag ng mga awtoridad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










