BAGONG GUSALI AT COVERED COURT SA PUGARO INTEGRATED SCHOOL, MAGPAPALAKAS SA KALIDAD NG PAG-AARAL

Mas magiging maayos at komportable na ang pag-aaral ng mga mag-aaral ng Pugaro Integrated School matapos ang pormal na pagbubukas ng bagong tatlong palapag na gusali na may siyam na silid-aralan at isang covered court gymnasium kahapon, Hulyo 21.

‎Inaasahang makatutulong ang mga bagong pasilidad upang mabigyan ang mga estudyante ng mas ligtas, mas moderno, at mas angkop na kapaligiran sa pagkatuto.

‎Bukod sa pagdaragdag ng mga silid-aralan, magsisilbi ring venue ang covered court para sa iba’t ibang gawaing pang-edukasyon, pampalakasan, at iba pang aktibidad ng paaralan.

‎Ayon sa lokal na pamahalaan, patuloy nitong isinusulong ang pagpapaunlad ng mga pasilidad sa edukasyon bilang bahagi ng layunin na mapataas ang kalidad ng pag-aaral at mabigyan ng mas maraming oportunidad ang mga kabataan.

‎ ‎Naging posible ang proyekto sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pambansa at lokal na pamahalaan, Department of Education, at iba pang katuwang na sektor ng komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments