Friday, June 26, 2026

Pagtatapos ng pre-trial conference, hudyat na wala ng makakapigil sa paglilitis kay VP Duterte

Iginiit ni House impeachment spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na wala ng makakapigil pa sa nakatakdang pagsisimula sa July 6 ng impeachment trial Laban kay Vice President Sara Duterte.

Binigyang-diin ito ni Adiong makaraang tapusin na kahapon ng Senate Impeachment Court ang pre-trial conference na inabot ng limang araw.

Isinagawa sa pre-trial process ang pagmamarka ng mga documentary exhibits, pagtukoy sa mga testigo, pagsusumite ng proposed stipulations, at mga kailangang manifestations sa impeachment court.

Ayon kay Adiong, sa impeachment trial ay maipipresenta na ng prosekusyon sa publiko ang mga matitibay na ebedensya na sumusuporta sa impeachment complaint laban sa bise presidente sa layuning lumitaw ang katotohanan na dapat malaman ng mamamayang Pilipino.

Facebook Comments