Friday, June 26, 2026

Mike Defensor, iginiit na plano lamang umano siyang patahimikin kaugnay sa isyu ng korapsiyon

Itinanggi ni dating Rep. Mike Defensor ang mga akusasyon sa kaniya kaugnay sa sinalakay na establisyimento sa Pasig City.

Kasunod ito ng pahayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na tapos na ang case build up at maghahain sila ng kasong human trafficking laban kay Defensor.

Ayon sa dating mambabatas, hindi sila ang namamahala sa negosyo at sila lamang ang may-ari ng gusali.

Wala umanong sapat na batayan ang mga paratang sa kaniya at sa kaniyang pamilya kasabay ng paghamon sa mga nag-aakusa na magsampa ng kas kung may matibay na ebidensiya.

Sinabi pa ni Defensor na ginagamit umano ang mga paratang para patahimikin kaugnag sa mga isyu ng korapsiyon sa pamahalaan.

Ngayong araw nang magtungo si Defensor sa Department of Justice (DOJ) para magsumite ng rejoinder affidavit kaugnay sa reklamong cyberlibel na inihain ni dating Senador Antonio Trillanes IV.

Iginiit din niya na dapat ituloy ang imbestigasyon sa mga paratang ng 18 nagpakilalang dating bodyguards ni Zaldy Co sa halip na kasuhan ang mga ito.

Facebook Comments