Arestado ang dalawang lalaki matapos umanong mahuli sa aktong nagbebenta ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation sa Barangay Gabut Norte, Badoc, Ilocos Norte noong Setyembre 22, 2026.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Badoc Municipal Police Station, kung saan umano’y naabutan ang dalawang suspek na nagbebenta ng isang heat-sealed sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa police poseur-buyer.
Nasamsam ng mga awtoridad ang kabuuang 3.36 gramo ng hinihinalang shabu, na may standard drug price na ₱22,848.
Inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga naarestong indibidwal dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments





