Thursday, September 24, 2026

MGA PROGRAMA AT PROYEKTO PARA SA SUSUNOD NA TAON, TINALAKAY SA CITY DEVELOPMENT COUNCIL NG ALAMINOS

Tinalakay ng City Development Council o CDC ng Alaminos City ang mga naisakatuparang proyekto at mga iminungkahing programa para sa susunod na taon sa isinagawang 2nd Regular Meeting nito sa Don Leopoldo Sison Convention Center.

Pinangunahan ni City Mayor Arth Bryan C. Celeste ang pagpupulong kasama si City Vice Mayor Jose Antonio Miguel Y. Perez.

Layunin ng pagpupulong na palakasin ang koordinasyon at partisipasyon ng lokal na pamahalaan, mga barangay, Civil Society Organizations o CSOs, department heads at section chiefs, gayundin ng iba’t ibang sektor ng komunidad sa pagpaplano at pagpapaunlad ng lungsod.

Bahagi ng agenda ang presentasyon ng mga tanggapan hinggil sa mga proyektong naisakatuparan na, gayundin ang mga programang at proyektong iminungkahing isama sa mga plano para sa susunod na taon.

Sa pamamagitan ng CDC, binibigyang-daan ang pakikilahok ng iba’t ibang sektor sa pagpaplano upang makatulong sa pagbuo ng mga programang nakatuon sa pangangailangan at patuloy na pag-unlad ng Alaminos City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments