Tuesday, November 17, 2026

Panukalang batas na laban sa transnational drug syndicates, isinulong sa Kamara

Inihain ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman at Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos ang House Bill No. 11751, o panukalang Anti-Narco-Terrorism Act.

Layunin ng panukala ni Santos na amyendahan ang Anti-Terrorism Act of 2020 and the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 upang mapalakas ang paglaban ng Pilipinas sa mga international drug syndicates.

Ayon kay Santos, daan ang panukala para mapunan ang mga jurisdictional gaps na ginagamit ng mga transnational drug syndicates para makaiwas sa kaparusahan lalo na kung ang kanilang kontrabandong ilegal na droga ay nasabat bago makapasok sa ating bansa.

Halimbawa nito ang P3.5 billion na drug shipment na naharang sa Laos bago maibyahe patungong Pilipinas.

Binanggit ni Santos na sa ilalim din ng kanyang panukala ay itatakda ang legal framework na siyang tutukoy sa mga transnational drug-trafficking organizations ilang terrorist organizations.

Facebook Comments