2 provincial directors, sibak sa pwesto matapos mabigong makatalima sa 5 minutes response time ng PNP

Tuluyang binakante ng Philippine National Police (PNP) ang puwesto ng provincial director sa dalawang lalawigan sa bansa dahil sa kabiguang ipatupad ang 5-minute response time sa kanilang nasasakupan.

Bagama’t kinumpirma ni PNP Chief PGen. Nicolas Torre III ang pagsibak, tumanggi naman itong pangalanan ang mga opisyal at kung saan lalawigan sila nakatalaga.

Ayon kay Gen. Torre, hihintayin muna nila kung sino ang mga mag-a-apply para sa posisyon bago ilipat sa ibang pwesto ang mga kasalukuyang hepe.

Nilinaw din ni Torre na may pagkakataon pa rin ang mga nasabing opisyal na makabawi at makasabay sa mga umiiral na polisiya ng PNP.

Kahapon sinabi ni Torre na noong bumisita sya sa Iloilo ay binigyan niya ng caution ang isang provincial director dahil sa kahalintulad na isyu.

Nauna nang sinibak sa puwesto ni Torre ang walong chief of police sa Metro Manila dahil sa parehong kabiguan.

Kabilang sa mga chief of police na na-relieved sa pwesto ay nakatalaga sa mga lungsod ng Navotas, Caloocan, Valenzuela, Mandaluyong, Marikina, San Juan, Parañaque at Makati.

Facebook Comments