
Kinumpirma ni Atty. Ferdinand Topacio na sasailalim sa major surgery ang kanyang kliyente na si dating Rep. Arnolfo Teves.
Ito ay matapos magreklamo ng matinding pananakit ng tiyan si Teves.
Ayon kay Topacio, nagdesisyon din ang mga doktor na ilipat sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig si Teves.
Kinumpirma rin ni Atty. Topacio na naabisuhan na rin nila ang lahat ng mga korte kung saan may mga nakasampang kaso laban kay Teves, hinggil sa kalagayan nito.
Si Teves ay isinugod kaninang umaga sa pinakamalapit na ospital mula sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City matapos na magdamag itong makaranas ng matinding pananakit ng tiyan.
Facebook Comments