
Dalawa ang naitalang sugatan sa sunog sa Purok 2, Hacienda Rosario sa Sucat, Muntinlupa City.
Kabilang sa mga ito ang 50-anyos na lalaking nagtamo ng 2nd degree burn at isang binatilyong na nasugatan ng yero sa kamay.
Agad naman silang nabigyan ng paunang lunas ng medical team ng Bureau of Fire Protection (BFP) at ng Brgy. Sucat rescue team.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago ito naapula ng mga bumbero, volunteer at residente.
Nagpalipad din ng drone ang BFP upang matukoy ang lawak ng sunog.
37 trucks ng bumbero at volunteers ang rumespunde sa sunog na nagsimula kaninang alas-6:45 ng umaga.
Facebook Comments










