2 residente ng Makati City na hinuli dahil sa curfew, nakuhanan ng iligal na droga

Kulungan ang tuloy ng isang babae at isang lalaki matapos silang makuhanan ng ipinagbabawal na droga nang mahuli ang mga ito ng dahil sa curfew sa Makati City.

Nakilala ang mga suspek na sina Gloria Feliciano Romero, 51-anyos at residente ng Brgy. Comembo, at Eric Jones Mural Parinas, 21-anyos, taga-Brgy. Rizal.

Nakuha mula sa kanila ang 1.5 grams ng umano’y shabu na may katumbas na halaga ng ₱10,200.


Nahuli ang mga suspek habang pagala-gala sa kahabaan ng Macopa St., Brgy. Comembo, lungsod ng Makati pasado alas-9:10 kagabi.

Batay sa ulat ng Makati Police Station 9, sinita nila ang mag suspek dahil sa curfew hour at habang hinihingi nila kanilang quarantaine pass, napansin ng mga pulis na may itinapon ang babaeng suspek na isang plastic transparent sachet. Kaya naman nang usisain nila ito, doon napagalaman na ito pala ay umano’y shabu.

Kaya naman agad silang inaresto ay nakakulong na sila sa Police Station 9 ng Makati at nahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Curfew Ordinance ng lungsod.

Facebook Comments