Wednesday, June 10, 2026

Defense team ni VP Duterte, mainam na ilantad na si ‘Mary Grace Piatos’ kung gagamitin nila itong testigo sa impeachment trial

Para kay House Assistant Majority Leader at Trial Spokesman Representative Zia Alonto Adiong, makabubuting ilantad na agad ng defense team ni Vice President Sara Duterte kung sino si ‘Mary Grace Piatos’ kung plano nila itong gawing testigo sa impeachment trial.

Ayon kay Adiong kung totoo si Mary Grace Piattos at iba pang kontrobersyal na pangalan na umano’y mga tumanggap ng confidential funds ni VP Sara ay mainam itong ilabas para magkaroon ng kalinawan.

Binanggit ni Adiong na hangad din naman talaga nila sa prosecution panel na sagutin ng defense team ang mga alegasyon kay VP Sara para magkaroon ng kalinawan.

Sinabi ito ni Adiong sa harap ng patuloy na paghahanda ng House prosecution team sa pre-trial na nakatakda sa June 18.

Ayon kay Adiong, sa pre-trial stage ay tutukuyin ang mga testigo, dokumento,at mga ebidensyang ilalatag nila sa paglilitis kay VP Sara.

Facebook Comments