
Dahil sa hindi inaasahang insidente noong July 31, 2026 na kinasangkutan ng isang Grade 9 student, pansamantalang sinuspindi ang fce-to-face classes sa Las Piñas National High School at Las Piñas National Senior High School–Diego Cera Campus.
Ito ay simula ngayong araw, August 3 hanggang Agosto 7, 2026.
Sa inilabas na memorandum, ang hakbang na ito ay kasunod ng isang “hindi inaasahang insidente” noong July 31, 2026 na kinasangkutan ng isang Grade 9 student.
Layunin ng pagsuspindi ng klase na bigyang-daan ang pangangalaga sa mental health at psychosocial well-being ng mga mag-aaral, guro at kawani nito.
Dahil sa suspendido ang face-to-face classes ay ipatutupad muna ang asynchronous/modular distance learning, gamit ang mga module, worksheets at online platforms tulad ng Google Classroom at class group chats.
Magkakaroon din ng psychosocial processing at counseling sessions para sa mga nangangailangan ng suporta, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas.
Sa August 10, 2026, ibabalik ang face-to-face classes maliban kung may panibagong abisong ilalabas ang lokal na pamahalaan ng Las Piñas.










