Thursday, July 23, 2026

Ilang progresibong grupo, nagkilos-protesta sa isang palengke sa QC

Nagkilos-protesta ang iba’t ibang progresibong grupo LITEX Market sa Commonwealth, Quezon City ngayong Huwebes ng umaga, July 23, ilang araw bago ang SONA ng pangulo.

Ito ay para ipanawagan umano sa gobyerno ang sulusyon sa mga suliranin ng ordinaryong Pilipino, gaya ng kakulanhan sa trabaho, mababang sweldo ng mga manggagawa, at kakulangan sa solusyon para maresolba ang kahirapan sa bansa na dinadaan umano sa kakarampot na ayuda.

Maliban dito, mariing ding iginigiit ng mga grupo na panagutin umano sa mga kasalanan si Vice President Sara Duterte at singilin naman sa mga nauna nang pangako sa SONA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Dagdag pa rito, hiling din ng mga grupo na itaas ang presyo ng palay at ibaba ang presyo ng bigas sa mga pamilihan; pagbabasura sa oil deregulation law; at pagpapalakas ng lokal na produksyon para hindi na umasa pa ang Pilipinas sa importasyon.

Maliban dito, nanawagan rin ang mga grupo sa publiko na makibaka sa kilos-protesta sa darating na Lunes, July 27 sa kahabaan ng Commonwealth Avenue simula alas-dose ng tanghali.

Facebook Comments