2-taong gulang na Bata, Patay matapos Mahulog sa Irigasyon

17
Cauayan City, Isabela- Patay ang isang 2-taong gulang na bata makaraang mahulog sa irigasyon sa Brgy. San Luis, Pudtol, Apayao kahapon, July 11, 2022.

Ayon sa report ng PNP, isang lalaki ang biktima at residente sa nabanggit na lugar.

Lumabas sa pagsisiyasat, kasamang naglalaro ng biktima ang dalawang iba pa habang sakay ito ng bisikletang may side car malapit sa naturang irigasyon.

Dahil dito, aksidenteng nahulog ang bisikleta dahilan para mahulog ang biktima sa irigasyon.

Agad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad hanggang sa matagpuan ang biktima na wala nang buhay.

Facebook Comments