Wednesday, October 14, 2026

DOLE, naglabas mg patakaran sa pasahod para sa mga holidays ng Nobyembre

Nag-isyu na ng labor advisory ang Department of Labor amd Employment (DOLE) bilang gabay sa pasuweldo sa mga deklaradong non-working days sa darating na Nobyembre.

Ito ay dahil sa deklaradong special non-working days ang November 1 na Araw ng mga Santo at November 2 o Araw ng mga Kaluluwa na papatak ng Linggo at Lunes

Ayon sa DOLE, no work, no pay ang patakaran sa naturang mga petsa maliban na lamang kung may umiiral na panuntunan ang pagawaan salig sa kanilang collective bargaining agreement

Para sa mga magtatrabaho sa naturang mga araw, may dagdag na 30% sa unang 8 oras ng pasok kung saan may panibagong 30% sa kada oras na lagpas sa regular na iskedyul ng trabaho.

Kung papatak naman sa rest day o day off ng empleyado ang special non-working day, may dagdag na 50% sa basic wage ang papasok na manggagawa.

Hiwalay pa dito ang panibagong 30% ng naka-day off pero kailangang mag-overtime.

Samantala, sa November 30 na isang regular holiday dahil sa Bonifacio Day ay double pay ang tatanggapin ng mga papasok na empleyado bukod sa dagdag na 30% sa kada oras ng overtime.

Kung araw ng pahinga ng empleyado na papasok sa Bonifacio Day, may panibagong 30% siyang tatanggapin sa kanyang daily wages.

Facebook Comments