20-anyos na Lalaki, Patay matapos Makuryente

23
Cauayan City, Isabela- Patay ang isang shoe caravan coordinator matapos makuryente sa Brgy. Poblacion, Sabangan, Mt Province kahapon, August 4, 2022.

Sa ulat ng Police Regional Office Cordillera, ang biktima ay isang 20-anyos na residente ng Barangay Malinta, Valenzuela City.

Lumalabas sa report ng pulisya, umakyat sa poste ng covered court ang biktima para tanggalin ang electric bulb na ginagamit sa isang caravan activities at nahulog ito mula sa poste na aksidenteng tumama siya sa nakaparadang sasakyan

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Facebook Comments