Ang naturang asosasyon ay kabilang sa mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program para sa mga komunidad na nasa Conflict Affected and Vulnerable Areas (CVAs).
Sa tulong na ipinagkaloob noong 2022 at 2024, nakapagtatag ang grupo ng mga proyektong pangkabuhayan tulad ng rice retailing at hog raising na nagsisilbing pinagkukunan ng kita ng kanilang mga miyembro.
Lalong pinagtibay ang pagpapatuloy ng kanilang mga kabuhayan sa isinagawang Ceremonial Turnover ng mga served SLPAs sa mga lokal na pamahalaan ng Galimuyod at Salcedo noong June 10, 2026.
Pinangunahan ni DSWD FO 1 Regional Director Marie Angela S. Gopalan ang aktibidad kasama ang mga kinatawan ng Philippine Army at mga opisyal ng lokal na pamahalaan.
Inaasahang mas mapapalakas nito ang paggabay at monitoring ng lokal na pamahalaan sa asosasyon upang matiyak ang patuloy na pag-unlad ng kanilang mga negosyo at kabuhayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










