Nasakote ng pinagsanib na pwersa ng Sual Municipal Police Station at Sison Municipal Police Station ang Top 2 Most Wanted Person ng bayan ng Sison sa isinagawang operasyon sa Makati City noong June 10, 2026.
Kinilala ng pulisya ang suspek bilang isangng 52 anyos na lalaki na residente ng Sison, Pangasinan at inaresto sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong panggagahasa o rape sa ilalim ng Article 266-A, paragraph 1(A) ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act 8353, kaugnay ng Article 266-B ng parehong batas.
Ayon sa mga awtoridad, walang itinakdang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga umarestong yunit ang akusado para sa dokumentasyon at tamang turnover sa hukuman na naglabas ng warrant upang harapin ang kasong isinampa laban sa kanya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










