Umabot sa 200 punong namumunga ang itinanim sa Municipal Materials Recovery Facility ng Bayambang kamakailan bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2026 Environmental Month.
Pinangunahan ng Municipal Environment and Natural Resources Office ang aktibidad, katuwang ang iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan, mga kinatawan ng pamahalaang panlalawigan, at mga Civil Society Organizations.
Kabilang sa mga itinanim ang guyabano, langka, atis, kasoy, bignay, cacao, at avocado na makatutulong sa pagpapalawak ng luntiang espasyo at pagpapanatili ng malinis na kapaligiran.
Sa pamamagitan ng aktibidad, patuloy na hinihikayat ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang ang pakikiisa ng komunidad sa pangangalaga sa kalikasan para sa mas luntian at mas maayos na kinabukasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










