LIBRENG GABAY SA PAGPAPATITULO AT IBANG PANG PERMIT MULA SA DENR, AARANGKADA SA SAN JACINTO

Maglulunsad ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Handog Titulo at DENR Express Mini Permitting on Wheels sa mga residente ng San Jacinto nitong Hunyo 24, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

Kabilang sa mga serbisyong ilalapit ng DENR ang libreng assistance para sa pagpapatitulo ng lupa, pagproseso ng tree cutting permit, chainsaw registration, konsultasyon kaugnay ng mga aplikasyon at pamamahagi ng libreng seedlings.

Ayon sa DENR, hinihikayat ang mga may transaksyon sa lupa na magdala ng mga dokumentong tulad ng certified true copy ng Tax Declaration, Deed of Sale, Extrajudicial Settlement of Estate at Deed of Donation para masuri ang kanilang mga aplikasyon.

Kaugnay nito, sakaling wala umanong kumpletong dokumento o hindi sigurado sa mga kinakailangang papeles ang mga lalahok, kasama rin sa programa ang pagbibigay ng kaukulang gabay hinggil sa proseso ng pagpapatitulo na sakop ng serbisyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments