COC FILING PARA SA BSKE 2026, SISIMULAN SA SETYEMBRE; COMELEC PANGASINAN, PATULOY ANG PAGHAHANDA

Hinihikayat ng Commission on Elections (COMELEC) Pangasinan ang mga nagnanais na kumandidato sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2026 na na lumapit sa kanilang tanggapan para sa kakailanganing requirement para sa kanilang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).

‎Ayon sa COMELEC Pangasinan, magsisimula ang filing ng COC para sa BSKE mula Setyembre 8 hanggang Oktubre 5, 2026. Dahil dito, hinihikayat ng ahensya ang mga interesadong tumakbo na ihanda ang kanilang mga dokumento at alamin ang mga kinakailangang requirements para sa paghahain ng kandidatura.

‎Pinayuhan ng COMELEC ang mga aplikante na bisitahin ang kanilang opisyal na website o magtungo sa pinakamalapit na election office sa kanilang bayan o lungsod upang makakuha ng kumpletong impormasyon hinggil sa mga requirement at proseso ng paghahain ng COC.

‎Kasabay ng paghahanda para sa filing period, patuloy ring nakikipag-ugnayan ang COMELEC Pangasinan sa mga lokal na pamahalaan, paaralan, at iba pang sektor upang matiyak ang maayos at organisadong pagsasagawa ng BSKE 2026.

‎Samantala, mahigit 2.1 milyong rehistradong botante ang inaasahang lalahok sa halalan sa lalawigan. Kabilang dito ang tinatayang 2,191,000 botante para sa barangay elections at 784,000 kwalipikadong bumoto sa Sangguniang Kabataan elections.

‎Patuloy din ang pagbabantay ng COMELEC sa mga barangay na nangangailangan ng masusing monitoring habang papalapit ang araw ng eleksyon upang matiyak ang ligtas, maayos, at mapayapang BSKE 2026. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments