2025 Budget Execution Forum, isinasagawa ng mga gabinete ni PBBM ngayong araw sa PICC

Isinasagawa ngayong araw ang 2025 Budget Execution Forum dito sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City, para talakayin ang pagpapatupad ng pondo ng bawat ahensya ng gobyerno para sa taong ito.

Dinaluhan ito ng lahat ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pangunguna ng Department of Budget and Management (DBM).

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, mahalagang tutukan ng mga opisyal ang pagpapabuti sa buhay ng mga Pilipino.


Kaya naman nanawagan ang Kalihim sa mga opisyal ng pamahalaan na manatiling nakatuon sa kani-kanilang mga trabaho at huwag pansinin ang mga ingay lalo na ang mga isyu sa politika.

Ang higit ₱6 trillion na budget aniya ay hindi lamang mga numero sa papel kun’di may kinalaman sa bisyon ng administrasyon.

Ang ginagawa aniya ngayong 2025 Budget Execution Forum ay magbibigay ng avenue sa mga gabinete kung paano magagamit nang wasto ang pambansang pondo ngayong taon.

Facebook Comments