Thursday, September 17, 2026

Mahigit 100 mga pasahero ng RoRo na sumasadsad sa Occidental Mindoro, ligtas na nailikas ng PNP at PCG

Ligtas na nailikas ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang mga pasahero at crew ng isang Roro Vessel na sumadsad sa katubigan ng Abra de Ilog, Occidental Mindoro kaninang madaling araw.

Ayon sa ulat, lulan ng MV RoRo Master 5 ang 114 na mga pasahero at 49 na crew members kabilang ang kapitan nito na patungo sanang Matabang Port.

Dinala ang mga nasabing pasahero sa Brgy. Uddalo at agad na binyahe patungo sa Passenger Terminal Building of Matabang Port sa tulong ng Municipal and Provincial Disaster Risk Reduction and Management Offices (DRRMO).

Lahat naman ng mga nailikas na pasahero ay nasa stable na na kondisyon.

Facebook Comments