
Ipapasa-subpoena ng Senate Impeachment Court si Davao City Mayor Sebastian Duterte kasunod ng hiling ng prosecution panel.
Si Mayor Duterte ay inaasahang pahaharapin sa September 23 tungkol pa rin sa Article 2 o ang hindi maipaliwanag na yaman at hindi tamang deklarasyon sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Vice President Sara Duterte.
Partikular na pinahaharap si Mayor Baste kaugnay sa mga naging transaksyon na pinasok ng City Government ng Davao City sa ilang mga korporasyon na may kaugnayan kay VP Sara.
Samantala, inisyuhan naman ng show cause order (SCO) ang isang myembro ng House prosecution panel at isang private prosecutor dahil sa paglabag sa rule 18 o ang sub judice rule ng impeachment court.
Tumanggi naman si Senate Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol na pangalanan o tukuyin kung sino ang mga ito dahil hinihintay pa ang clearance kung naisilbi na ang show cause order.
Bibigyan naman ng 24 oras ang mga pinadalhan ng SCO para sumagot at magpaliwanag na wala silang nilabag sa rules.
Giit ni Panganiban, hindi naman sinasabi ng Konstitusyon na batas ng Supreme Court ang susundin kundi ang Senado ang magbibigay ng hustisya sa bayan.
Ipinunto ni Puno na nasasaad sa Konstitusyon na ang Senado ang may sole o natatanging kapangyarihan na magdesisyon sa impeachment case at hindi ito ibinigay sa kahit anong husgado.










