Nabigyan ng Bantay Pulseras ang 2,173 bata sa Ilocos Norte bilang bahagi ng hakbang ng Ilocos Norte Police Provincial Office (INPPO) upang matiyak ang kanilang kaligtasan sa paggunita ng Ligtas Undas 2026.
Nagsilbing identipikasyon ang mga pulseras sakaling mahiwalay ang mga bata sa kanilang mga magulang o kasama habang nasa sementeryo at iba pang mataong lugar.
Ayon sa INPPO, pinadali nito ang pagkilala sa mga bata kung sakaling mawala o mawalay ang mga ito.
Alinsunod ang proyekto ng mga hakbang ng pulisya sa lalawigan para sa proteksyon ng mga bata at kaligtasan ng publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








