PANGPPO AT PRO1, TINIYAK ANG MAHIGPIT NA SEGURIDAD SA MGA TOURIST DESTINATION SA UNDAS

Mas mahigpit na seguridad at pagbabantay sa mga tourist destination sa buong Ilocos Region ang isasagawa ng Police Regional Office 1 sa kasasagan ng Undas hanggang sa mga susunod na araw nito.

Ayon kay PRO1 Regional Information Officer PMAJ Cherry Tolentino sa ginanap na Kapihan sa Philippine Information Agency (PIA) Ilocos, kabilang ang mga pook pasyalan sa kanilang mahigpit na babantayan katuwang ang mga itatalagang Force Multipliers.

Sa Pangasinan, nasa 33 tourist sites ang mahigpit na tututukan.

Samantala, binigyan diin din ni Tolentino ang mga ipinagbabawal na ipasok sa loob ng mga sementeryo sa oras ng pagbisita tulad ng mga matatalim na bagay, nakalalasing na inumin, gamit pangsugal at malalakas na speaker.

Sa ibinahagi naman na inisyal na bilang ng Undas 2026 Security Deployment ng Pangasinan Police Provincial Office, nasa 1,858 uniformed personnel ang itatalaga, hindi pa kasama sa bilang ang mga Force Multipliers, Mobile patrols, checkpoint at iba pang ahensya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments