DALAWANG LALAKI,ARESTADO MATAPOS UMANONG TAKASAN ANG MGA PULIS; MGA PATALIM AT GAMIT NA MAYMENSAHE NG PANGHO-HOLDAP, NASAMSAM

Arestado ang dalawang lalaki matapos makumpiskahan ng mga patalim at iba pang kahina-hinalang kagamitan sa Barangay Mayombo, Dagupan City noong Nobyembre 3.

Ayon sa Dagupan City Police Office (DCPO), unang namataan ng Police Station 2 ang mga suspek na sakay ng motorsiklong walang plaka sa Barangay Caranglaan at kapwa nakasuot ng itim na bonnet.

Nang harangin ito ng mga pulis para sa beripikasyon, pinaharurot umano ng driver ang motorsiklo at tumakas.

Ngunit, matapos ang tactical vehicular pursuit ng pulisya ay naharang at naaresto ang dalawa sa Barangay Mayombo.

Narekober sa mga suspek ang isang ice pick, Rambo knife, notebook na may iginuhit na mapa at may nakasulat na “Holdap to walang kikilos ng masama.” Nasamsam rin ang ilan pang kagamitan.

Kinilala ang mga naaresto na 45-anyos na negosyante mula Santa Barbara at 23-anyos na OFW mula Mapandan.

Inihahanda na ang mga kasong Resistance and Disobedience under Article 151, Illegal Possession of Bladed or Pointed Weapons, Possession of Picklocks or Similar Tools ng Article 304, at paglabag sa Motorcycle Helmet Act of 2009 o Republic Act 10054. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments