Wednesday, July 1, 2026

Pagsasampa ng plunder charges laban kay Sen. Marcoleta, walang katuturan at basehan ayon kay Sen. Alan Cayetano

Iginiit ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na walang katuturan at basehan ang pagsasampa ng kasong plunder laban kay Sen. Rodante Marcoleta dahil sa pagtanggap nito ng campaign contributions.

Ipinunto ni Cayetano na kung plunder o pandarambong ang pagtanggap ng campaign contributions, malamang ay kalahati ng mga naglilingkod sa gobyerno ay dapat sama-samang makulong.

Sinabi ni Cayetano na hindi naman nakinabang si Marcoleta sa tinutukoy na campaign contribution, sa madaling salita hindi naman yumaman ang senador dahil doon.

Naniniwala ang mambabatas na ginigipit si Marcoleta at ang iba pang nasa oposisyon dahil sa pagnanais nilang matukoy ang katotohanan sa flood control scam at ang mastermind sa likod nito.

Facebook Comments