Wednesday, May 13, 2026

25 PANGASINENSE MULA PSU, KABILANG SA TOPNOTCHERS NG MARCH 2026 LEPT

Umabot sa 25 graduate’s ng mula sa iba’t ibang campus ng pangasinan state university ang nakapasok sa listahan ng mga topnotchers sa march 2026 licensure examination for professional teachers o LEPT.

Batay sa inilabas na resulta, 12 sa mga topnotchers ay mula sa elementary level habang 13 naman ang mula sa secondary level.

Sa elementary level, nanguna sa top 3 sina guia laurence cadena ng sta. Maria, margarette mae madriaga ng alaminos city, at chester paul padilla ng alaminos city matapos makakuha ng 94.40 percent rating.

Samantala, sa secondary level, nakamit naman ni wednesday nabor ferrer ng bayambang ang top 2 spot sa pamamagitan ng 95 percent rating.

Kabilang din sa mga nakapasok sa top ranks ang mga examinees mula sa urdaneta city, lingayen, san carlos city, binmaley, at iba pang bayan sa pangasinan.

Ayon sa psu, ang resulta ay sumasalamin sa patuloy na mataas na performance ng unibersidad sa larangan ng teacher education.

Ang lept ay isa sa mga licensure examinations na pinangangasiwaan ng professional regulation commission o prc para sa mga nais maging licensed professional teachers sa bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments