Wednesday, May 13, 2026

MPTC TOUR OF LUZON 2026, UMAARANGKADA SA PANGASINAN

Dinagsa ng mga residente, turista at cycling enthusiasts ang lingayen baywalk sa pangasinan para saksihan ang stage 13 individual time trial ng MPTC tour of luzon 2026.

Isa-isang rumatsada ang mga siklista sa karera kontra oras, kung saan sinubok ang kanilang bilis, tibay at disiplina sa isa sa pinakaimportanteng yugto ng torneo.

Naging sentro ng matinding aksyon ang lingayen habang todo-suporta ang mga manonood sa mga rider na naglalaban para sa mahalagang puwesto bago ang huling yugto ng kompetisyon.

Matapos ang laban sa lingayen, tututok na ngayon ang mga koponan sa inaabangang grand finish sa baguio city ngayong mayo 13, 2026 kung saan tuluyang malalaman ang kampeon ng tour of luzon 2026. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments