Tuesday, October 20, 2026

26 na libong mga pulis, inaasahang ide-deploy para sa Undas 2026; NCRPO, naghahanda na para sa gaganaping ika-49 ASEAN Summit and related meetings sa bansa

Inaasahang ide-deploy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang 26 na libong mga pulis bilang parte ng hakbang pangseguridad para sa Undas 2026 ayon ito kay NCRPO Officer-in-Charge BGen. Christopher Abrahano.

Layon nito na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga bibisita sa mga sementeryo, memorial parks at columbaria sa buong Metro Manila.

Samantala, naghahanda na rin ang NCRPO para sa gaganaping ika-49 na ASEAN Summit and related meetings na nakatakdang maganap sa Metro Manila mula November 16 hanggang 18.

Ibinahagi ni Abrahano na nagsasagawa na sila halos kada linggo ng mga pagpupulong para sa nasabing aktibidad at kasama sa pinag-uusapan ang augmentation mula sa ibang rehiyon para matiyak ang kaligtasan ng mga delegado.

Inaasahan ang presensya ng pulisya at monitoring sa mga pangunahing ruta habang pinalalakas din ang contingency plans sa mga summit venues, hotels, airports , at sa mga transport hubs.

Facebook Comments