PAWIKAN NAILIGTAS MATAPOS AKSIDENTENG NALAMBAT SA ANDA

19
Nailigtas ang isang green turtle matapos aksidenteng malambat sa Barangay Tori-Tori Anda Pangasinan.
Ito ay 17 pulgada at may lapad na 15 pulgada.
Nai-surrender ang naturang pawikan sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources matapos itong ipaalam ng isang concerned citizen sa pulisya.

Base sa kwento ng mangingisda na nakalambat sa pawikan na si Mauricio Orlanda, pasado 5:00 ng umaga ng namataan ang pawikan sa kaniyang fish trap.
Pinakawalan naman na ng DENR ang pawikan sa dagat ngayong araw.
Sa ilalim ng Wildlife Act, mahigpit na ipinagbabawal ang paghuli, pagpatay at pagbebenta nang buhay-ilang gaya ng mga pawikan. |ifmnews
Facebook Comments