Sumailalim sa limang araw na pagsasanay mula sa National Commission for Culture and the Arts, ang 19 na kalahok na binubuo ng 13 guro mula sa iba’t ibang paaralan at anim na hired mappers mula sa iba’t ibang barangay sa San Nicolas, upang palalimin ang kaalaman at kakayahang protektahan ang yaman at kultura ng bayan.
Sa naturang workshop, sinanay ang mga kalahok sa tamang proseso ng cultural mapping, kabilang ang pangangalap ng datos, pagdodokumento ng mga yaman ng kultura, at pagtuklas sa mga kwento, tradisyon, at paniniwalang nakapaloob sa bawat pamana.
Tinalakay rin ang kahalagahan ng konserbasyon at wastong paglalagak ng mga impormasyon bilang bahagi ng preservation efforts.
Apat na pangunahing aspeto ang binigyang-diin sa pagsasanay: ang Filipinong Salin o likas na yaman; tangible immovable heritage tulad ng mga gusali at monumento; tangible movable heritage gaya ng artifacts at sining; at intangible heritage na sumasaklaw sa oral traditions, ritwal, at tradisyunal na kaalaman.
Ayon sa mga kinatawan mula sa NCCA, mahalaga ang proyektong ito upang matiyak na mapapangalagaan at maipapasa sa susunod na henerasyon ang mayamang kasaysayan at kultura ng San Nicolas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










