28 fireworks related injuries, naitala ng DOH

Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng 28 na fireworks related injuries sa bansa.

Sa nasabing datos ng DOH, ang 16 na bagong kaso ay naitala sa araw ng Pasko.

Kabilang na ang kaso ng pagtama sa mata ng mga paputok sa ilang pasyente.


Ang mga biktima ay may edad mula anim hanggang 35-years old kabilang na ang isang babae.

Sa nasabing bilang, 94% sa mga kaso ay nangyari sa bahay o sa kalsada at majority o katumbas ng 31% ay nangyari sa National Capital Region.

Facebook Comments