Tuesday, September 29, 2026

Mayor Baste Duterte, humaharap ngayon sa impeachment trial bilang hostile witness ng prosekusyon

Umarangkada na ngayon ang ika 31 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kung saan humaharap si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte bilang hostile witness ng Prosecution.

Si Private Prosecutor Atty. Theodore Te ang nagsasagawa ng direct examination kay Mayor Duterte.

Dahil deklaradong hostile witness, ay maaring magtanong ang prosecution ng leading questions kay Mayor Baste.

Inuusisa ng prosecution kay Mayor ang naging kontrata sa lokal na pamahalaan ng Davao City ng GenCorp Industries – ang kompanyang idineklara ni Vice President Sara Duterte sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN.

Sa kanIyang facebook post ay unang inihayag ni Mayor Baste na nagsimula noong 2022 ang mga transaksyon ng GenCorp sa Davao City Gov’t, na umabot sa 19 na kontrata na nagkakahalaga ng P33.26 million.

Sa nabanggit na FB post ay binigyang diin ni Mayor Baste na hindi sya aware o walang syang kaalaman sa idineklarang business intrest ni VP Sara sa GenCorp bukod sa wala din ang pangalan ni VP Sara sa corporate documents na isinumite ng GenCorp kaugnay sa mga transaksyon nito sa Davao LGU.

Sa paglilitis ngayon ay sinabi ni Mayor Duterte na sa impeachment trial nya lang narinig ang hinggil sa GenCorp at hindi sya familiar dito no.

Samantala, andito rin sa Senado at personal na nanonood sa impeachment trial si dating Senator Antonio Trillanes IV.

Bagama’t hindi naman naka-takdang humarap sa impeachment Trial si Trillanes dahil hindi pa sya pinapadalhan ng subpoena ng impeachment coourt ay naman nagpahayag ito ng kahandaan na tumestigo kaugnay sa ikalawang article of impeachment o alegasyong may hindi maipawaliwanag na yaman si VP Sara.

Sa ngayon ay pansamantala, naka break ang trial habang ipinapakita ng prosekusyon sa Defense team ang mga dokumento na ipi-presenta kaugnay sa pagtestigo ni Mayor Baste.

Facebook Comments