Wednesday, November 4, 2026

Defense Secretary Gibo Teodoro, itinanggi ang akusasyon ng China na siya ang dahilan kaya hindi natuloy ang usapin noon ng Pilipinas at China patungkol sa oil and gas exploration

Itinanggi ng Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. na siya ang dahilan kaya hindi natuloy noon ang oil and gas exploration ng Pilipinas at China.

Ito ay kasunod ng pahayag na inilabas ng Chinese Embassy kung saan inakusahan nito si Teodoro na siya umano ang nagsabotahe ng agreement noon ng bansa at China noong 2018.

Nilinaw ng Kalihim na ang 2018 framework na ito ay kinansela ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2022 dahil sa pagiging “potentially constitutionally problematic’ base na rin sa advice noon ng kanyang Secretary na si Teodoro Locsin.

Samantala, ayon naman kay Teodoro, sakali mang nasa sitwasyon rin sya noon ay 100 porsyento din siya sang-ayon dahil ito ay unconstitutional at walang basehan ang nasabing exploration talk sa China.

Facebook Comments