![](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2024/02/Slide1-58.jpg?resize=696%2C392&ssl=1)
Tahasang itinanggi ng Philippine National Police (PNP) na nagkaroon ng data breach sa PNP drug operations.
Sa isang post sa social media na X (dating Twitter), nalantad umano ang drug operations records ng PNP sa dark web.
Pero ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, mismong ang Anti-Cybercrime Group (ACG) ang nagsabing hindi ito totoo.
Aniya, tila recycled lang ang impormasyong kumakalat sa social media.
Ganun pa man, sinabi ng opisyal na patuloy ang validation ng PNP-ACG at nakikipag-ugnayan na rin sila sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Facebook Comments