
Dismayado si Akbayan Party-list Rep. Dadah Kiram Ismula na sa matamlay na budget ng PhilHealth para sa susunod na taon sa kabila ng apelang budget increasae ng Department of Health at ng PhilHealth mismo
Sinabi ito ni Ismula makaraang hindi dagdagan ng House Committee on Appropriations’ Budget Amendments Review Subcommittee (BARSc) ang P74-billion na budget ng Philhealth na kapareho din sa alokasyong natanggap nito ngayong taon.
Ayon kay Ismula, hindi pwedeng idahilan na kulang ang pondo dahil mayroong P140 billion mula sa sin tax revenues na pwedeng-pwedeng ibigay sa Philhealth.
Giit ni Ismula, para masigurong available sa lahat ang mas maraming health services ay ang Philhealth budget ang dapat tinaasan sa halip na ang DOH Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP).
Bunsod nito ay ibinabala ni Ismula na mas maraming mahihirap na Pilipino ang mapipilitang pasanin ang mas malaking gastos sa pagpapa-ospital o pagpapagamot o kaya mamamalimos ng tulong mula sa mga politiko.










