Tuesday, October 13, 2026

Panukalang 2027 National Budget, aprubado na sa Kamara

Inaprubahan na ng House of Representatives sa 3rd and final reading ang House Bill No. 10858, o General Appropriations Bill na naglalaman ng ₱7.2-trillion pesos na Pambansang Budget sa susunod na taon.

282 ang mga kongresista na bomoto pabor sa pagpasa ng proposed 2027 national budget, 13 ang tumutol at isa ang nag-abstain.

Kasama sa inaprubahan ng Kamara ang ₱116 billion na halaga ng amendments na kinabibilangan ng dagdag na mahigit 10- bilyong piso sa mahigit ₱1.107-trillion na alokasyon sa sektor ng edukasyon.

Dinagdagan din ng Kamara ang pondo sa sektor ng kalusugan at pangunahin dito ang ₱23.97 billion na inilaan sa Medical Assistance Program.

₱10 billion naman ang inilaan sa Presidential Assistance to Farmers and Fisherfolk at ₱4.96 billion farm-to-market roads sa layuning mapalakas ang food security at suporta sa sektor ng agrikultura.

Sa sektor ng transportasyon ay pinondohan naman ng Kamara ang fuel subsidies, Service Contracting Program, NCR Busway Project at iba pang proyekto ng Department of Transportation (DOTr).

Diin ni House Committee on Appropriations Chairperson Rep. Mika Suansing, mga amyendang ginawa ng Kamara sa 2027 budget ay may layuning protektahan ang mga dapat iprayoridad para sa kapakanan ng mamamayan.

Pangunahing tinukoy ni Suansing ang sektor ng education at serbisyong pangkalusugan at ang mga programa at proyekto na tutugon sa pangangailangan ng taumbayan.

Facebook Comments