Tuesday, October 13, 2026

Minorya, mananatiling matatag kahit nabawasan ng isang myembro

Tiniyak ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na mananatiling matatag ang minorya sa Senado sa pagtupad ng kanilang responsibilidad bilang fiscalizers at constructive oppositionist.

Ito ang pahayag ni Cayetano sa gitna na rin ng paglipat ni Senator Mark Villar sa majority bloc habang naiwan naman sa minorya ang kapatid niyang si Senator Camille Villar.

Ayon kay Cayetano, maaaring nagbago ang koalisyon sa mataas na kapulungan pero ang kanilang pananaw, prinsipyo at pangako sa Diyos at sa mga Pilipino ay nananatiling matatag.

Nauunawaan din aniya nila ang mga sitwasyon at konsiderasyon na maaaring humantong sa mga pagbabago sa political alliances, kabilang na ang kahalagahan para sa administrasyon na mapanatili ang isang matibay at nagkakaisang mayorya sa Senado.

Patuloy din aniyang itataguyod ng minority bloc kung ano ang tama, ang institusyon at patuloy na magtatrabaho para sa ikabubuti ng bansa.

Facebook Comments