3 BAYAN SA ISABELA, NABIYAYAAN NG BIIK AT FEEDS MULA SA DA REGION 2

27
Cauayan City, Isabela- Umabot sa kabuuang siyamnaput walong (98) mga biik ang ipinamahagi ng Department of Agriculture o DA Region 2 sa tatlong mga bayan sa Isabela tulad ng Mallig, Quezon at San Pablo.

Bilang suporta sa Swine Repopulation Program ng pamahalaan sa mga hog raisers na naapektuhan ng ASF ay namigay ang Kagawaran ng sentinel pigs sa mga nabanggit na bayan kung saan nasa apatnaput limang (45) piglets ang ibinigay sa Mallig, limamput isa (51) sa Quezon at dalawa (2)naman sa bayan ng San Pablo.

Bukod dito, namahagi rin ang DA ng 294 bags ng Feeds sa tatlong bayan kung saan 153 bags ng feeds ang ibinigay sa Quezon, 135 sa Mallig at anim (6) na bags sa San Pablo.

Ang nasabing tulong ay masaya namang tinanggap ng mga benepisyaryong magbababoy na higit na naapektuhan ng ASF outbreak sa kanilang lugar.

Facebook Comments